Kung may mga problema kayo na nais maiparating sa pamahalaan at sa mga pribadong sektor upang maaksyunan agad ng mga kinauukulan, puwede kayong lumiham sa aming tanggapan sa Unit 27, 8th Flr., Tower B, Victoria Towers, 78 Panay Avenue corner Timog Avenue, Quezon City/Mag-text sa 09493258103 o kaya ay mag-email sa misspublics@yahoo.com
***
MISS PUBLIC SERVICE, ako po ay isa sa mga kawani ng Facilities Manager Incorporated. Ang problema po namin dito ay iyong mga loan namin sa Social Security System (SSS) ay sa management ng aming kumpanya bumabagsak, ang problema, ang tagal bago nila i-release sa amin, at ang duda namin ay idinideposito pa nila ito sa kanilang account para tumubo. Tama po ba iyan ?--Mr. Capricorn HINDI tama iyan, kaya't tayo'y nananawagan kay SSS President Emilio de Quiros na paimbestigahan niya ang alingasngas na ito sa Facilities Manager Incorporated--MISS PUBLIC SERVICE
***
MISS PUBLIC SERVICE, sana po ay maiparating n'yo sa kinauukulan na masyadong bumagal na ang releasing ng mga pensyon namin sa Government Service Insurance Corporation (GSIS)--Retired public teacher GANUN po ba, sige at tatawagan agad natin nang pansin ang mga opisyal ng GSIS kung bakit bumagal ang kanilang pagse-serbisyo publiko --MISS PUBLIC SERVICE
***
MISS PUBLIC SERVICE, nabalitaan namin na bawal na ang lunch break sa mga tanggapan ng pamahalaan, kasama po ba dito ang mga tauhan ng barangay hall? BASTA nagtatrabaho sa lahat ng sangay ng pamahalaan ay ipinagbabawal ang lunch break. Puwede n'yo silang ireklamo sa tanggapan ni Chairman Francisco Duque ng Civil Service Commission (CSC). --MISS PUBLIC SERVICE
0 comments:
Post a Comment