4 IN 1 NA TABLOID (DYARYO, KOMIKS, POCKETBOOK AT MAGASIN)
0 Comments - 04 Feb 2011
FOUR in one na tabloid maituturing ang bagong labas na tabloid na ito--ang Pinoy Patrol (Ulat sa Bayan). Bakit? Dahil kumpleto rekado ang nilalaman ng tabloid na ito, na pinagsama-sama dito ang mga pangunahing babasahing Pinoy sa ating bansa--ang diyaryo, komiks, pocket book at magasin. Sa diyaryo, nandito ang mga ihahatid naming mga pangunahing b...

More Link
KAPAG IBENENTA ANG CAMP AGUINALDO AT CAMP CRAME... KUDETA!
0 Comments - 04 Feb 2011
 GOOD day po sa inyong lahat at sana, tangkilikin n'yo ang bagong pahayagang ito--ang PINOY PATROL (Ulat sa Bayan). Ngayon po ang unang labas nito, at titiyakin namin sa inyo na maghahatid ng mga importante at napapanahong isyu ang kolum na ito, pati na ang ibang nilalaman ng pahayagang ito. Muli po, good day sa inyong lahat ! *** PARANG wala...

More Link
MGA 'UNTOUCHABLE' NG SJDMB, DI MATINAG NG MWSS
0 Comments - 04 Feb 2011
        Magandang araw po sa inyong lahat! ang Pinoy Patrol Ulat Sa Bayan ay pinagsikapan naming mailabas upang makapaghatid sa inyo ng makatuturan at responsableng Balita. Nawa’y pumasa sa inyong panlasa ang mga artikulo sa pahayagang ito. Maligayang pagbabasa sa inyong lahat! ***    &nb...

More Link
12 TODAS SA SUNOG!
0 Comments - 03 Feb 2011
LABINGDALAWANG katao na ang kumpirmadong nasawi sa naganap na sunog kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Roque, Navotas City. Ang mga biktima ay sina Arvy Agarin, 6 months; Justin Agarin, 3 taon; Jennifer Agarin at William Agarin, Joros Salonga, 12; Natalie Salonga, 11; Angela Salonga, 10; Gerald Blancaflor, Carlito Blancaflor, Eric Tambor, George Mila...

More Link

Friday, February 4, 2011

4 IN 1 NA TABLOID (DYARYO, KOMIKS, POCKETBOOK AT MAGASIN)

FOUR in one na tabloid maituturing ang bagong labas na tabloid na ito--ang Pinoy Patrol (Ulat sa Bayan). Bakit? Dahil kumpleto rekado ang nilalaman ng tabloid na ito, na pinagsama-sama dito ang mga pangunahing babasahing Pinoy sa ating bansa--ang diyaryo, komiks, pocket book at magasin. Sa diyaryo, nandito ang mga ihahatid naming mga pangunahing balita sa inyo na may kinalaman sa mga nangyayari sa ating lipunan, kolum ng mga batikan at bagitong mamamaha– yag na magbubunyag ng mga katiwalian sa ating pamahalaan, iba't ibang uri ng public service, sports at siyempre, ang mga pahinang panglibangan. Sa komiks, inilaan namin sa inyo ang isang pahina at pinagsama-sama rito ang love, action, comedy at $ex stories.


Sa pocket book, mga nobelang pang love and $ex stories din ang inilaan namin sa inyo. Sa magasin, siyempre, ang mga nakakaintrigang pang-showbiz na balita, kasama na ang seksing larawan ng iba't ibang artista at celebrities. Malinaw, 4 in 1 ang bagong tabloid na ito kaya't sulit na sulit ang inyong P10 sa pagbili sa pahayagang ito. Sana, suportahan n'yo ang bagong pahaya– gang ito na araw-araw ilalathala maliban kung Sabado at Linggo. At umasa kayo, ang pahayagang ito ay mag– sisilbi bilang tagapag-ulat sa bayan sa lahat ng mga kaganapan sa ating lipunan, at wala kaming sasantuhin kahit sino pa ang "tamaan," bilang pagtanaw ng utang na loob sa gagawin n'yong pagsuporta sa tabloid na ito. Sama-sama po tayo sa laban...sa laban ng Pinoy Patrol...ulat sa bayan.

0 comments:

Post a Comment